QC-LGU, target na maibaba ang COVID-19 cases bago ang October 5 na pagbubukas ng klase

32

Kumpiyansa si Quezon City Councilor Winnie Castelo na ang pagkaurong ng pagbubukas ng klase mula August 24 patungong October 5, 2020 ay sapat na upang ihanda ang education system, pampubliko man o pribado, sa virtual learning o kahit sa blended learning na nais ng Department of Education (DepEd).


Gayunman, nakadepende pa rin ito sa pagbabago sa bilang ng COVID-19 cases pagsapit ng nabanggit na panahon.

Apela ni Castelo sa publiko, makipagtulungan at panatilihin ang health protocols tulad ng pananatili sa bahay, social distancing at kalinisan sa katawan.

Batay sa impormasyon na inilabas ng QC Health office, umakyat na sa 8,406 ang bilang ng COVID-19 cases sa Quezon City.

Facebook Comments