QC, may kumpirmadong kaso na rin ng Delta variant

40

Kinumpirma ng Quezon City Qovernment na may kaso na ng Delta Coronavirus variant sa kanilang lungsod.

Ito ay matapos na magpositibo sa Delta variant ang isang 34-year old na lalaki na returning Overseas Filipino Worker mula sa Saudi Arabia.


Ayon sa QC-LGU, dumating sa bansa ang lalaki noong June 24 at nanatili sa isang hotel sa Makati City ng sampung araw para sa kanyang mandatory quarantine bago inilipat sa isang hotel sa Maynila mula July 4 hanggang July 11, 2021.

July 11 ng tuluyan nang gumaling aniya ang lalaki sa nasabing sakit.

Bunsod nito, agad na isinailalim ng Quezon City’s Epidemiology and Surveillance Disease Unit (CESU) kagabi ang lalaki sa swab testing maging ang mga kamag-anak nito at nakasalamuha.

Bukod dito, nakikipag-ugnayan din ang QC-LGU sa mga karatig lungsod matapos na magpositibo sa Delta variant ang isang factory work na nagta-trabaho sa Quezon City ngunit naninirahan sa ibang lugar.



Facebook Comments