QC Mayor Joy Belmonte, inirekomenda sa DOH na isama ang UAE sa listahan ng mga bansa na nasa travel restriction dahil sa bagong COVID-19 variant

60

Umapela si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa Department of Health (DOH) na ikonsidera na isama sa listahan ng mga bansa na may travel restriction ang United Arab Emirates.

Ginawa ni Belmonte ang apela kasunod ng pagka-detect ng unang kaso ng UK variant ng COVID-19 na isang residente ng lungsod.


Umalis ng Pilipinas ang lalaking pasyente noong December 27 para sa isang business trip sa Dubai at dumating ng bansa noong January 7 kung saan isinailalim ito sa COVID-19 test.

Ayon naman kay QC Epidemiology and Surveillance Unit Head Dr. Rolly Cruz, ang lalaki ay nasuri na may pneumonia at pinapainom na ng antibiotics.

Wala naman itong ubo pero kasalukuyan nang binabantayan sa isang isolation facility.

Dagdag pa ni Belmonte, hindi nakasalamuha ng lalaki ang sinoman sa mga nasa Barangay Kamuning kung kaya’t walang dahilan para magkaroon ng diskriminasyon sa mga residente roon.



Facebook Comments