QCPD, bantay sarado sa mga militanteng grupo na nagkikilos protesta sa Batasan Complex

102

Hindi na pinaporma ng mga pulis na makalabas ng compound ang mga militanteng grupo para makapag-martsa papuntang Batasan Complex.

Sa unang pagtatangka, nagkaroon ng tulakan sa panig ng mga pulis at raliyista kaya’ t napilitan silang bombahin ng tubig ng mga bumbero.

Ayon kay Col. Richie Claravel, ground commander ng Quezon City Police District (QCPD), hindi sila papayagang makapunta sa Batasan Complex para magdaos ng rally.


Kapag nagpumilit sila ay mapipilitan ang pulisya na sila ay arestuhin dahil sa kawalan ng permit.

Sa ngayon, nanatili ang grupo sa kanilang programa habang nakabantay naman ang pulisya.

Facebook Comments