QCPD, bumuo ng task group na mag-iimbestiga sa nangyaring pananambang kay National Center for Mental Health Chief Roland Cortez

53

Bumuo ang Quezon City Police District (QCPD) ng special investigation task group na magsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa nangyaring pananambang at pagpatay kay National Center for Mental Health Chief Roland Cortez at sa kaniyang driver noong July 27, 2020.

Sa press conference sa Camp Karingal, sinabi ni QCPD Director Brig. Gen. Ronnie Montejo na ipinakuha na niya ang mga closed-circuit television (CCTV) footage sa mga lugar malapit sa pinangyarihan ng krimen.

Nauna na ring inilabas ng QCPD ang composite sketch ng sinasabing nagsilbing spotter ng mga tumambang kina Cortez at Dela Cruz.

Sinabi ni Montejo, ang spotter ang nagsagawa ng surveillance kay Cortez hanggang makarating sa Tandang Sora Avenue kung saan nangyari ang pamamaril.

Facebook Comments