QCPD chief, iniutos ang malalimang imbestigasyon sa pag-ambush sa isang pulis sa Q.C.

Iniutos ni Quezon City Police District Director Pol. Brig. Gen. Ronnie Montejo ang malalimang imbestigasyon sa pananambang at pagpatay kay Police Lieutenant Samad Baharan.

Sabado ng umaga, habang binabaybay ni Baharan na sakay ng kulay puti na motorsiklo ang Tandang Sora Avenue sa Brgy. Culiat nang pagbabarilin siya ng dalawang lalaking magka-angkas sa motor.

Nais ni Montejo na bigyang seguridad ang mga saksi sa pamamaril upang matiyak na makikilala ang mga riding- in -tandem.


Kinakalap na ng Criminal Investigation and Detection Unit ang salaysay at mga ebidensya para malaman ang motibo sa pagpatay kay Baharan.

Facebook Comments