QCPD, may bago nang district director

48

Nagsimula nang manungkulan ngayong araw ang bagong director ng Quezon City Police District (QCPD) na si PBGen. Antonio Yarra.

Kasunod ito ng pagre-retiro ni PBGen. Danilo Macerin na nanungkulan bilang director ng ng QCPD sa loob ng halos isa’t kalahating taon.


Isinagawa kagabi na ang retirement at turnover ceremony sa Kampo Karingal na sinaksihan nina National Capital Region Police Office Chief PMGen. Vic Danao Jr., at Mayor Joy Belmonte.

Sa kaniyang talumpati ay kinilala ni Belmonte ang mahahalagang ambag ni BGen. Macerin sa pagpapanatili ng kaayusan sa pinakamalaking lungosd sa Metro Manila sa gitna ng mapaghamong laban kontra COVID-19.

Kasabay nito ay isinigawa naman ang unveiling o pagpapakita sa publiko sa bakal na rebulto ni Lapu-lapu na nakaharap sa grounds ng Kampo Karingal at gawa sa mga recycled na lumang mga kagamitan ng QCPD.

Facebook Comments