QCPD, nilinaw na hindi kasama ang NDFP Consultant na si Randall Echanis sa mga namatay sa Novaliches

55

Nilinaw ng Quezon City Police District (QCPD) na hindi kabilang sa mga namatay sa isang bahay sa Novaliches ang National Democratic of the Philippines (NDFP) Consultant Randall Echanis.


Ayon kay QCPD Director Police Brigadier General Ronnie Montejo, lumabas sa inisyal na imbestigasyon na ang dalawang biktima ay kinilalang si Louie Tagapia at isang nagngangalang Manuel Santiago.

Naberipika ang pagkakakilanlan ng mga biktima sa pamamagitan ng identification cards at nagtugma ang litrato sa mukha ng mga napaslang.

Nagpapatuloy pa rin aniya ang imbestigasyon at ikinokonsidera ang lahat ng posibleng motibo sa pagpatay.

Kabilang sa mga posibleng anggulo ay pagnanakaw at maaari ding personal na galit dahil mayroong tattoo ng Sputnik Gang si Tagapia.

Handa ring makipagtulungan ang QCPD sa sinuman hinggil sa imbestigasyon.

Facebook Comments