
Tinutunton na ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga driver ng mga sasakyan na sunod-sunod na nakasagasa sa isang senior citizen sa Aurora Boulevard noong Sabado ng gabi.
Ayon sa QCPD, kalunos lunos ang sinapit ng 61 anyos na babae na tatlong ulit na nasagasaan.
Sa kuha ng CCTV ng Barangay Silangan, makikita ang biktima na patawid ng kalsada sa kanto ng Illinois Street at Aurora Boulevard ng masagasaan ng itim na SUV at ng sumunod na puting Fortuner na agad tumakas matapos ang insidente.
Sa pangatlong pagkakataon ay nasagasaan din ang biktima ng kulay grey ng kotse pero tumigil ito.
Nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon at follow-up operation QCPD .
Hinihikayat ng QCPD ang publiko na kung may impormasyon ukol sa mga sangkot na sasakyan o drayber na agad na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o tumawag sa QC Helpline 122.