QCPD, walang nakitang palatandaan ng forcible entry sa apartment ng napaslang na NDF consultant na si Randall Echanis

45

Walang nakita ang Quezon City Police District (QCPD) na senyales ng forcible entry o sapilitang pagpasok dahil hindi man lang nasira ang kandado ng inuupahang apartment ng napaslang na NDF consultant na si Randall Echanis at ng kasama niyang si Loui Tagapia.


Ayon kay QCPD-CIDU Chief Major Elmer Monsalve, patunay ito na kilala nina Echanis at Tagapia ang mga suspek at sila nimmo ang nagbukas ng pinto para papasukin ang mga ito.

Malamang aniya na si Tagapia ang puntirya ng mga suspek dahil natagpuang nakatali sa likuran ang kaniyang mga kamay.

Posibleng nadamay naman si Echanis dahil nakita niya ang krimen.

Hindi naman inaalis ni QCPD Director Brig. Gen. Ronnie Montejo na target din si Echanis dahil maituturing itong high-profile na personalidad.

Facebook Comments