QR code at mobile apps, ipinagagamit na alternatibong paraan ng pagbabayad ng pamasahe

58

Inirekomenda ni House Committee on Transportation Chairman Edgar Mary Sarmiento na pagamitin ng alternatibong paraan ang mga pasahero sa pagbabayad ng kanilang pamasahe sa mga public transportation.

Hiniling ni Sarmiento na i-upgrade ang sistema sa pamamagitan ng paggamit ng Quick Response Code o QR Code at iba pang mobile applications na maaaring pa-loadan online o sa mga reloading kiosks.

Iminungkahi rin ng mambabatas sa Department of Transportation (DOTr) na lumikha ng sariling “fare reloading app” gamit ang iba’t ibang uri ng electronic wallets at electronic banking platforms.

Maaaring i-tap ang pribadong sektor para dito upang maiwasan ang mahabang pila ng mga tao para makuha o mapaloadan ang kanilang mga Beep cards at mabawasan din ang human-to-human interaction upang hindi mahawaan ng COVID-19.

Naniniwala si Sarmiento na mas tipid ang mga alternatibong paraan at environment-friendly pa.

Iginiit din ng kongresista na hindi sustainable na solusyon ang pamimigay ng libreng Beep cards sa mga commuters dahil sa katagalan ay babayaran din ito ng mga pasahero dahil hindi naman libre ang produksyon ng mga cards.

Facebook Comments