Quarantine Pass ng boundary ng Antipolo at Cainta Rizal nagkaroon ng kalituhan

158

Nagkaroon ng matinding kalituhan sa mga residente ng Barangay San Isidro, Cainta Rizal sa ipinatutupad ng Barangay Mambugan, Antipolo City na check point makaraang kumpiskahin ang kanilang quarantine pass na ibinigay ng Cainta, Rizal Government.

Hindi makakalabas papuntang Masinag ang mga residente ng Barangay San Isidro, Cainta Rizal  matapos na harangin ng mga pulis at Barangay Tanod ang mga lalabas papuntang Masinag dahil ang kanilang Quarantine Pass ay para lamang sa mga residente ng Cainta Rizal at lalabas sila na sakop naman ng Antipolo.


Paliwanag ng mga residente ng Cainta Rizal dapat payagan silang makalabas para bumili ng gamot at pagkain dahil wala na umano silang makakain at wala namang namamahagi sa kanila ng mga relief goods kahit na rasyon ng pagkain.

Umapila ang mga residente sa Department of Interior and Local Government (DILG) na mamagitan na sa  kalituhan sa boundary ng Cainta at Antipolo upang makalabas sila para bumili ng pagkain at gamot na kanilang maintenance.

Facebook Comments