Quarantine qualifications sa Metro Manila at sa iba pang lugar sa Pilipinas, hindi na babaguhin

147

Hindi na babaguhin ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang desisyon nitong isailalim ang Metro Manila at anim na iba lang lugar sa General Community Quarantine (GCQ).

Mula Nobyembre 1 hanggang 30 ay mananatili sa GCQ ang Metro Manila, Batangas, Iloilo City, Bacolod City, Tacloban City, Iligan City, at ang probinsiya ng Lanao Del Sur.


Mananatili naman sa Modified GCQ ang iba pang lugar sa Pilipinas kung saan papairalin pa rin ang minimum health protocols para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Matatandaan na inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang quarantine classifications noong Lunes, pero binigyan pa nang hanggang Huwebes, Oktubre 29, 2020 ang mga Local Government Units (LGUs) para umapela.

Facebook Comments