Quarantine violators umabot na sa 300,000 ayon sa JTF COVID Shield

45

Umaabot na sa mahigit 300,000 quarantine violators ang naitatala ng Joint Task Force (JTF) COVID Shield simula March 17 nang magsimula ang lockdown.


Ito ang inihayag ni JTF COVID Shield Commander Lt. General Guillermo Eleazar.

Aniya, lahat ng mga violators ay binigyan ng warning, pinagmulta at ang iba ay sinampahan ng reklamong paglabag sa mga ordinansa.

Halos lahat ng mga ginawang paglabag ng mga violators ay ang hindi pagsusuot ng facemask at walang social distancing.

Patuloy rin na nakakatangap ng report ang JTF COVID Shield nang ilang mga violations tulad ng pag- iinuman, pagdalo sa mga party at maging pagsusugal.

Kaya naman mas mahigpit ang utos ngayon ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Gamboa sa mga pulis na mas higpitan ang pagpapatupad ng health safety standard protocols para makaiwas sa COVID-19.

Facebook Comments