Quiapo Church, dapat sumunod sa 30% capacity rule

32

Tinabla ng Malacañang ang apelang i-akyat sa 50% capacity ang Quiapo Church para mas maraming deboto ang makakapasok kasabay ng Kapistahan ng Itim na Nazareno.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mananatili sa 30% ang seating capacity para sa religious service at ito pa rin ang susundin.


Nabatid na kanselado muna ngayong taon ang prusisyon ng imahen ng Itim na Nazareno para maiwasan ang mass gatherings.

Sa halip, maraming misa ang gagawin sa Quiapo Church sa Sabado, January 9 – kung saan 15 misa ang isasagawa para maiwasan ang pagkukumpol ng mga taong dadalo.

Facebook Comments