Quiapo Church, mananatiling sarado hanggang Enero 26

20

Mananatiling sarado ang Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church sa Maynila hanggang Enero 26.

Ayon sa kura paroko ng Quiapo Church na si Monsignor Hernando Coronel, ito ay upang mapigilan ang pagkalat pa ng COVID-19.

Dahil dito, suspendido muna ang lahat ng mga aktibidad ng simbahan habang magpapatuloy naman ang mga misa sa pamamagitan ng online streaming.


Matatandaang sa kauna-unahang pagkakataon ay walang naging public masses noong Enero 9 na siyang kapistahan ng Poong Itim na Nazareno o Traslacion.

Facebook Comments