Quirino Province, inaprubahan ng IATF na mapasailalim pa rin sa MECQ

Maliban sa listahan ng mga nasa A4 priority list na susunod nang babakunahan, inapruban din ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa pulong nila kagabi na ma-extend sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Quirino Province hanggang April 30, 2021.

Kasama rin sa mga inaprubahan ng IATF ang pagpapatuloy ng training ng mga national athlete sa Olympic Training Bubble sa Calamba, Laguna.

Nananatili namang suspendido ang pagpapapasok ng foreign nationals sa bansa hanggang katapusan ng buwan pero ang mga banyagang mayroong valid entry exemption documents na inisyu ng Department of Foreign Affairs (DFA) bago ang March 22, 2021 ay pinapayagang makapasok ng bansa.


Facebook Comments