QUO WARRANTO PETITION | Dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno, kinumpirmang maghahain ng motion for reconsideration

Manila, Philippines – Maghahain ng Motion for Reconsideration (MR) si dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno para baligtarin ang naging desisyon ng SC en banc na pabor sa quo warranto petition.

Ito ang kinumpirma ni Sereno kasabay ng pagboto niya para sa Barangay at SK Elections sa Cainta, Rizal.

Ayon sa abogado ni Sereno na si Atty. Jojo Lacanilaco, umaasa silang magkaroon ng pagbabago kapag naghain na sila ng mosyon.


Nabatid sa botong 8-6, natanggal sa pwesto si Sereno kung saan anim sa mga mahistradong bumoto ay hiniling niyang mag-inhibit sa kaso.

Facebook Comments