R1MC, NAGPATUPAD NA NG CODE WHITE ALERT

Itinaas na sa Code White ang alert status ng Region 1 Medical Center sa Dagupan City bilang paghahanda sa Holiday Season.

Sa naging Kapihan sa DOH, inilahad ni R1MC Medical Specialist II Dr. Dino Manzano, handa na ang kanilang kagamitan bilang pagtugon sa mga nangangailangan ng medikal na atensyon partikular sa pagpasok ng bagong taon.

Ayon naman kay R1MC Public Health Unit Head, Dr. Merliza Estaris, umaasa itong mapababa o walang naitalang insidente ng naputukan sa pagdiriwang ng Pasko’t Bagong Taon.

Pumalo umano sa 34 ang naitalang bilang ng Firework-related injury sa ospital noong nakaraang taon.

Maliban sa pag-iwas sa paputok, nagpaalala rin ang mga ito na maghinay-hinay sa pagkain ngayong kabilaan ang mga handaan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments