Rabiya Mateo, nag-sorry sa mga kapwa kandidata sa Miss Universe 2020 pageant

166

Lalong humanga ang kanyang mga fans kay Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.

Ito ay matapos na personal na humingi ng sorry si Rabiya sa mga kapwa kandidata sa Miss Universe 2020 pageant na sina Amanda Obdam ng Thailand at Nova Stevens ng Canada makaraang mabiktima ng hateful comments mula sa ilang Pinoy pageant fans.


Noong Martes ay ibinahagi ni Miss Canada ang ilan sa comments na nakuha nito sa kanyang Instagram account at ang pagkadismaya niya sa mga toxic pageant fans.

Say ni Rabiya, agad siyang nagpadala ng mensahe kina Amanda at Nova upang humingi ng tawad dahil sa negative comments at pamba-bash na natanggap ng mga ito.

Ikinalulungkot daw ni Rabiya na ganito ang kasalukuyang nangyayari sa pageant community kaya gumawa na siya ng hakbang at humingi ng tulong sa kanyang solid supporters upang mapigilan ang ganitong toxic behavior ng ilang fans.

Bukod dito, plano rin ni Rabiya na gumawa ng anti-bullying campaign video.



Facebook Comments