Radio anchor at dating Congresswoman Niña Taduran, itinalaga bilang Undersecretary ng DSWD

572

Pasok sa bagong gabinete ni President-elect Bongbong Marcos ang radio anchor at dating Congresswoman na si Niña Taduran.

Itinalaga si Taduran bilang Undersecretary ng Department of Social and Welfare Development (DSWD).

Matatandaang naging isa sa mga Congresswomen ng ACT-CIS partylist si Taduran at naging co-anchor ni Senator Raffy Tulfo.


Isa sa mga pinagmamalaking bill ng dating mambabatas ay ang Media Welfare’s Act na nakabinbin pa hanggang ngayon sa Senado.

Samantala, ilan pa sa mga taga-media na nakapasok din sa administrasyon ni Marcos ay sina DSWD Secretary Erwin Tulfo at Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Rails Cesar Chavez.

Facebook Comments