Radio commentator sa Kidawapan City, Cotabato patay sa pamamaril

57

Kidawapan City, Cotabato – Isa na namang mamamahayag ang namatay matapos pagbabarilin kagabi sa Kidapawan City, Cotabato.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Colonel Bernard Banac, ang mamahayag ay kinilalang si Eduardo Sanchez Dizon, radio commentator sa Brigada News FM sa Kidapawan City.


Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya alas-10:25 ng gabi nang mangyari ang krimen.

Sakay ang biktima nang Mitsubishi Mirage nang pagsapit sa National Highway, Quezon Boulevard corner Diversion Road Sinsuat Street, Kidapawan City ay dito na siya pinagbabaril ng mga suspek at agad niyang ikinamatay matapos magtamo ng ilang tama ng bala ng baril sa katawan.

Agad namang inutos ni PNP Chief Oscar Albayalde kay Police Brigadier General Eliseo Rasco Regional Director ng PNP Region 12 ang mabilisang imbestigasyon para matukoy at maaresto ang salarin sa pagpatay sa isang miyembro ng media.

Facebook Comments

From Advertisers