Radyo mo sa nutrisyon ng RMN-DZXL, muling itinanghal bilang most development-oriented am program

18

Sa pangatlong pagkakataon naiuwi ng programang radyo mo sa nutrisyon ng DZXL 558 RMN-Manila ang pagkilala bilang most development-oriented am program.

Ito ay sa katatapos lamang na gandingan 2019: the 13th UPLB isko’t iska’s multi-media awards, “Midya at bayan: malaya, mulat, matapang” na isinagawa sa dl umali hall, UP Los Bańos.

Ang radyo mo sa nutrisyon nina Rod Marcelino at dating National Nutrition Council Executive Director IV ASEC Bernie Flores ay mag-iisang dekada nang umeere sa dzxl 558.

Napapakinggan ito tuwing sabado mula alas-12:30 hanggang ala-una ng hapon.

Muli, maraming salamat sa bumubuo ng gandingan at sa mga iskolar ng bayan sa Up Los Bańos!

Facebook Comments