Raffy Tulfo at dating Agriculture Secretary Manny Piñol, ikinukonsidera sa senatorial line up ng Lacson – Sotto tandem

557

Kinakausap ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ang TV personality na si Raffy Tulfo at dating Agriculture Secretary Manny Piñol.

Sina Tulfo at Piñol ay ikinokonsidera na maisama sa senatorial slate ng tandem nina Lacson at Senate President Tito Sotto III para sa 2022 elections.


Bukod sa kanila ay posibleng makasama rin sa kanilang mga pambato sa pagka-senador sina dating Senator JV Ejercito na kasama ni Sotto sa Nationalist Peoples Coalition (NPC).

Sabi ni Lacson, malapit na nilang mabuo ni Sotto ang senatorial line up pero mananatili itong tentative hanggang sa makapaghain na silang lahat ng Certificate of Candidacy (COC).

Facebook Comments