Rain or Shine Elasto Painters, wagi kontra Barangay Ginebra sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup

36

PBA – Tinalo ng Rain or Shine Elasto Painters ang Barangay Ginebra sa naging laban nila kagabi sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa Cuneta Astrodome.

Nanalo ang Rain or Shine sa score na 118-112 kung saan pinangunahan ni import Duke Crews ang painters na nakapagtala ng 28 points at 22 rebounds habang mayroong 19 points at limang rebounds si Jericho Cruz.

Dahil sa panalo ay mayroon ng limang panalo at apat na talo ang Rain or Shine habang mayroong limang panalo at dalawang talo ang Ginebra.

Samantala, wala pa rin panalo ang NLEX Road Warriors matapos na talunin ng San Miguel Beermen sa score na 114-108 kung saan nananatili ngayon ang smb sa unang pwesto ng team standings na may 6-1 win/loss record.
DZXL558

Facebook Comments