RALLY | Ilang pasyalan at restaurant sa France, isasara ngayong weekend

26

France – Pansamantalang isasara ngayong weekend ang ilang mga establisyimento at pasyalan sa France dahil sa nangyayaring kaguluhan sa nasabing bansa bunsod ng pagtaas ng presyo sa mga produktong petorlyo.

Partikular na isasara sa publiko ay ang Louvre, The Eiffel Tower, The Musée Delacroix at The Paris Opera kasama na ilang restaurant.

Ayon kay French Prime Minister Edouard Philippe, halos 90,000 police officers ang magdu-duty at magde-deploy din sila ng armored vehicles sa Paris.

Ang nakaambang “significant street violence” mula sa mga “yellow vest” protesters ay sa kabila ng pag-anunsyo ni French President Emmanuel Macron na hindi na muna itutuloy ang plano sanang pagtaas sa fuel tax sa kanilang bansa.

Facebook Comments