RALLY | Malawakang protesta, isasagawa ng ilang transport groups kapag hindi natugunan ang fare hike

Manila, Philippines – Magsagsagawa ng isang malawakang protesta ang ilang transport groups kung hindi matutugunan ang hirit nila na fare hike.
Ito ang naging babala ng mga transport groups sa kanilang pagsasanib pwersa kung saan nagpulong ang Federation of Jeepney Operators and Drivers Associations of the Philippines, samahan ng tsuper at operator ng Pilipinas Genuine Organization at Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines.
Inirereklamo nila ang walang tigil na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo maging ang pagkain at bigas na nakadadagdag na sa kanilang pasanin.

Hirit pa nila na dapat ay magbitiw na din sa pwesto ang mga opisyal na nakaupo sa Department of Transportation (DOTr) dahil walang natulong ang mga ito kundi magpapogi.
Sa Lunes ay nakatakda ang public hearing tungkol sa mga isyu ng transport groups sa komite ni Senadora Grace Poe.

Facebook Comments