RALLY | NCRPO, makikipag-koordinasyon sa mga militanteng grupong magkikilos protesta ngayong araw

Nakipag-ugnayan ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga lider ng militanteng grupo para sa isasagawa nilang kilos protesta ngayong araw.

Ayon kay NCRPO Regional Director Chief Guillermo Eleazar, ito ay para matiyak na magiging mapayapa ang mga ilulunsad na aktibidad kasabay ng ika-46 taong anibersaryo ng pagdeklara ng martial law.

Tiniyak naman ni Eleazar na wala silang na-monitor na anumang banta ng kaguluhan ngayong araw pero tuloy pa rin ang mahigpit nilang pagbabantay.


Facebook Comments