Rambulan ng grupo ng mga kalalakihan, nahulicam sa Makati City

Makati City – Nahulicam ang rambulan ng grupo ng kalalakihan sa Barangay Palanan, Makati City.

Sa video, makikitang nagbabatuhan ng bote ang magkabilang grupo habang may isang lalaki ang nagpapaputok ng baril.

Ayon kay Makati PNP Investigation Chief, Chief/Insp. Roman Salazar Jr – nang akmang bubunot ng baril ang isa sa mga suspek ay naunahan ito ng kanilang rumespondeng tauhan.


Inaalam din dahil sa nakita sa video na tila nabaril din ng suspek ang kanyang sarili.

Dagdag pa ni Salazar – agad namang ginamot sa ospital ang suspek at gumaling pero nahaharap ito sa patung-patong na direct assault, illegal possession of firearms,

Kakasuhan din ang suspek ng serious physical injury dahil may tinamaan siya habang nagpapaputok sa kalagitnaan ng rambulan.

Samantala, ligtas na ang biktimang natamaan ng ligaw na bala mula sa suspek.

Facebook Comments