Sumailalim sa random drug testing ang Persons Deprived of Liberty o PDL sa Dagupan City Jail Male Dormitory.
Layunin nitong tiyakin na mapanatili ang drug-free facility status na malaya sa anomang kontrabando bilang pagsunod sa Drug-Free Workplace Policy.
Sa isinagawang random drug testing nitong linggo sa Dagupan City Jail Male Dormitory, negatibo ang lahat ng bilanggo na sumailalim sa test.
Tiniyak naman ng tanggapan na patuloy din ang ugnayan sa ibang ahensya ukol sa mga training at medical health screenings sa mga PDL bilang pagpapahalaga sa kanilang kalusugan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments