Rank No. 1 Most Wanted Person sa bayan ng Batan, arestado saSampaloc, Manila

18

Kalibo, Aklan — Arestado ng mga kapulisan kahapon sa Sampaloc, Manila ang Rank No. 1 Most Wanted Person sa bayan ng Batan, Aklan.
Ang akusado ay kinilalang si Randy Idao Elias, 53-anyos ng Barangay Lupit, Batan at kasalukuyang nakatira sa 1600 Interior 2 Fajardo St., Zone 44, Brgy. 429, Sampaloc, Manila.
Inaresto si Elias ng pinagsanib na pwersa ng Batan MPS, CIDG-Bulacan PFU, Novaliches PS 4-QCPD, PS4-MPD sa bisa ng Warrant of Arrest nga may Criminal Case No. 10849 at 10855 sa kasong RAPE na inisyu ni HON. BIENVENIDO P BARRIOS, JR., Presiding Judge, 6th Judicial Region, RTC, Branch 3, Kalibo, Aklan, na may petsang July 22, 2013.
Walang pyansa na itinakda ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Nakatakda namang i-uwi sa Aklan si Elias para iturn-over sa korte.


Facebook Comments