RAPE | Lalake, arestado dahil sa panghahalay sa dalawang menor na pamangkin

Manila, Philippines — Hawak na ngayon ng mga otoridad ang suspek sa panggagahasa ng kanyang sariling mga pamangkin.

48 years old ang nasabing lalake, kasal at kasalukuyang walang trabaho.

Base sa imbestigasyon, napag-alaman na pawang pamangkin ng asawa ng suspek ang mga biktima.


Unang ginahasa umano ng suspek ang 14 years old na pamangkin. Makailang beses itong nangyari habang nasa trabaho ang mga magulang ng dalagita.
2017 nang huling galawin ng suspek ang pamangkin, pero nitong nakaraang linggo lamang nadiskubre ng mga magulang ng biktima na nabuntis ito pero ito ay nakunan.

Maliban dito, natuklasan din na pati ang 12 years old na kapatid ng biktima ay ginahasa rin ng suspek

Dito na nagkasa ng operasyon ang SPD na nauwi sa pagkaka aresto nito

Maliban sa kasong rape, posible ring maharap sa iba pang kaso ang suspek matapos makuha sa kanya ang isang camera na mayroong mga huhad na larawan at sex videos ng mga pamangkin nito.

Facebook Comments