Rape suspek, arestado makalipas ang 12 taon

50

Pasay City – Matapos ang 12 taong pagtatago nahuli na ng mga awtoridad ang lalaki na nahaharap sa kasong rape sa Pasay City.

Ayon sa biktima, 16-anyos lang siya noon nang halayin ng suspek na kaniyang pinsang buo.

Aniya, nakikitira lang siya noon sa bahay ng magulang ng suspek dahil wala na ang kaniyang magulang.

Hindi raw siya makapagsumbong sa mga kaanak dahil sa takot.

Itinaggi naman ng suspek na nagtago siya pero aminado ginahasa niya noon ang biktima.

Desidido naman ang biktima na ituloy ang kaso laban sa suspek.

Facebook Comments