RAPIDO COMPANY, PAMUMUNUAN NG 1STFEMALE COMMANDING OFFICER

Cauayan City, Isabela- Itinalaga ang kauna-unahang babae na mamumuno bilang bagong Commanding Officer ng 1st Cavalry (Rapido) Company (S) Armor Division sa Camp Melchor F Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela.

Ang Rapido Company ay pamumunuan ngayon ni Captain Katrina Bernardino mula sa dating pamumuno ni Captain Rommel Cristobal.

Si Cpt. Bernardino ay miyembro ng PMA “Laon-Alab” Class 2011 at nagturo sa Armor School kung saan pinahusay niya ang kanyang kaalaman, kasanayan, at kakayahan na kanyang magagamit sa pamumuno sa Rapido Company.

Ayon sa pagsasalita ni Capt. Bernardino, bagama’t inaasahan na niya na marami ang posibleng dumating na balakid subalit kanyang tiniyak na hindi siya susuko.

Aniya, ang pakikipagtulungan at suporta ng Team Rapido ang siyang magiging lakas niya upang mapagtagumpayan ang kakaharaping mga tungkulin.

Samantala, matagumpay na pinamunuan ni Cpt Cristobal ang unit bilang direktang support unit ng 5th Infantry Division.

Ito ay sa pamamagitan ng pag-deploy ng mga asset sa iba’t ibang Joint Task Forces sa 5ID’s Area of Responsibility kung saan nag-ambag ito sa pagbuwag sa Central Front Committee noong 2020, KLG Quirino- Nueva Vizcaya noong 2021, at Regional Sentro De Gravidad ngayong 2022.

Facebook Comments