Rappler CEO, inaresto at bigong makapagpiyansa!

357

Nagpalipas ng magdamag si Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa sa National Bureau of Investigation (NBI).

Ito ay matapos na tanggihan ng night court sa Pasay City ang piyansa ni Ressa para sa kasong cyber libel.

Inaresto si Ressa batay sa arrest warrant na inilabas ng Manila Regional Trial Court Branch 46 na may petsang February 12.

Ayon kay Ressa, okay lang sa kanya na magpalipas ng gabi sa NBI at hindi niya ito magpapahinto sa kanilang trabaho bilang mamamahayag.

Matatandaang nag-ugat ang kaso ni Ressa sa reklamo ng negosyanteng si Wilfredo Jeng kaugnay ng mapanirang artikulo ng online news site noong 2012.

Itinanggi na ni Keng ang alegasyon at hiniling sa Rappler na alisin ang artikulo pero naglabas pa ang online news site ng updated story noong 2014.

Facebook Comments