Rappler Chief Maria Ressa, tinawag na “fraud” ni Pangulong Rodrigo Duterte

Tinawag na “fraud” o manloloko ni Pangulong Rodrigo Duterte si Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa.

Sa kanyang public address, sinabi ni Pangulong Duterte na balang araw ay babalik kay Ressa ang kanyang mga pinaggagawa at mga pinagsasabi.

Aniya, masyado pang maaga para ma-enjoy ni Ressa ang kanyang ‘rewards.’


Iginiit din ni Pangulong Duterte na hindi siya kailanman naghain ng anumang reklamo laban sa mga mamamahayag na kinikritiko siya noong siya pa ang alkalde ng Davao.

May babala rin ang Pangulo sa sinuman na makakatanggap din sila ng matinding panghuhusga.

Nabatid na convicted si Ressa sa kasong cyber libel at ang dating researcher na si Reynaldo Santos Jr.

Una nang sinabi ni Ressa na ang kaso ay politically motivated.

Facebook Comments