Raptors, target na tapusin ang finals sa game 6

176

Target nang tapusin ng Toronto Raptors ang laban kontra Golden State Warriors ngayon game 6 ng NBA Finals.

Ayon sa Raptors, mas malaki ang tiyansa nilang maipanalo ang game 6 matapos muling magka-injury si Warriors most valuable player Kevin Durant.


Ibibigay ng Raptors ang kanilang best shot para masungkit ang kampeonato at para tapusin ang dalawang taong pamamayagpag ng Golden State Warriors sa NBA title.

Sakaling magkampyon, ito na ang kauna-unahang NBA title na makukuha ng Raptors simula ng itatag noong 1995, 24 years na ang nakakalipas.

Samantala, target din ng Warriors na umabot sa do or die sa game 7 kahit wala si Kevin Durant na inoperahan dahil sa Achilles rapture.

Matatandaang naging dikit ang laban ng dalawang koponan sa game 5 matapos magpakawala ng sunod-sunod na 3 points sina Warriors palyer Klay Thompson at Stephen Curry.

Abangan mamaya, ang paghaharap ng dalawang koponan sa game 6 ng NBA finals alas-9 ng umaga oras sa Pilipinas.

Facebook Comments

From Advertisers