Thursday, May 14, 2026

Rason sa pagpapatupad ng online registration sa Kadiwa Center, ipinaliwanag ng DA

Mariing iginiit ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na inilunsad nila ang online registration sa mga Kadiwa Center para masigurong napapakinabangan ng mga nasa vulnerable sector ang P20 Bigas Meron Na! Program ng gobyerno.

Sa pamamagitan ng online registration, maiiwasan ang overcrowding o siksikan ng pila sa mga Kadiwa Center.

Ayon pa kay Assistant Secretary Genevieve Velicaria-Guevarra, isa rin ito sa paraan para maiwasan ang pagbebenta ng P20 bigas sa mga buyer na gumagamit ng pekeng ID o nagpapanggap na representante ng benepisyaryo kahit hindi naman talaga.

Sa kabilang banda, siniguro naman ng DA na sapat ang supply ng bigas sa mga bodega ng National Food Authority (NFA) kahit sumipa pa ang demand ng naturang programa.

Nauna nang ipinaskil sa gate ng Kadiwa Center sa Visayas Avenue, Quezon City ang anunsyo na bawal na ang walk-in simula sa lunes, April 13.

Facebook Comments