RDRRMC 1, WALANG NAITALANG MALAKING EPEKTO NG MAGNITUDE 4.8 LINDOL NA TUMAMA SA LA UNION

Walang naitalang malaking pinsala, epekto o nasawi mula sa pagyanig ng Magnitude 4.4 lindol na sumentro sa Pugo, La Union, kahapon nang umaga, October 9, ayon sa ulat ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council 1.

Patuloy pa ang pangangalap ng datos mula sa mga Local DRRM Offices para sa kabuuang assessment ng tanggapan, kaagapay ang Office of Civil Defense Region 1.

Dahil sa posibilidad ng aftershocks, agad nag-abiso ang mga lokal na pamahalaan ng suspensyon ng klase at pasok sa mga government offices tulad sa mga bayan ng Caba, Tubao, Naguilian, Burgos, Agoo, at Pugo.

Isinara rin sa publiko ang Tapuakan River at ipinagbawal ang anumang aktibidad sa katubigan para sa kaligtasan ng publiko at turista.

Kaugnay nito, tiniyak ng tanggapan ang patuloy na pag-antabay sa sitwasyon upang agad maabisuhan ang publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments