Re-Emptive Evacuation – Ipinatupad Sa Dalawang Lungsod Sa Cebu

CEBU CITY – Nagpatupad na ng pre-emptive evacuation sa mga barangay sa Mandaue City dahil sa pagbaha na dulot ng malakas na ulan.Iniutos ni Mandaue City Mayor Gabriel Luis Quisimbing ang pre-emptive evacuation sa aabot sa animnapung pamilya na naninirahan sa barangay ng paknaan, alang-alang at canduman na kalapit lamang ng umapaw na Butuanon River.Inatasan na rin ng alkalde ang mga tauhan ng city social welfare office na ihanda ang relief goods para sa mga pamilyang inilikasSamantala, dahil din sa pagbaha, nagpatupad na rin ng pre-emptive evacuation ang Talisay City government sa mga pamilyang naninirahan sa managa river.

Facebook Comments