Mauurong sa Marso ang pagpapatupad ng pagbubukas ng mga sinehan sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, posibleng sa Marso na maipatupad ang pagbubukas ng mga sinehan, o kung kailan aniya mayroon nang mabubuong guidelines ang mga Local Government Units (LGUs) hinggil dito.
Sinabi ni Roque na mahalaga kasing mailatag muna ng mga LGU ang mga patakaran lalo na ang isyu ng kapasidad sa loob ng mga sinehan.
Ayon kay Roque, malinaw naman na hangga’t wala pang guidelines at hindi pa naitatakda ang kapasidad sa bilang ng mga taong dapat na payagang makapanood sa isang buong panahon ng pelikula, hindi pa talaga pwedeng buksan ang mga sinehan.
Sa desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) kamakailan, ngayong araw, Pebrero 15, dapat ang effectivity ng pagpayag na mabuksas ang mga sinehan, subject sa ilalabas na guidelines ng Department of Health (DOH) at LGUs.