RE-ROUTING SCHEME IPATUTUPAD SA DAGUPAN CITY PARA SA GILON-GILON ED BALEY

Ipatutupad sa sabado ang traffic rerouting sa Dagupan City upang bigyang-daan ang Gilon-Gilon ed Baley street dancing parade na magsisimula ng alas-3 ng hapon.

Ayon sa inilabas na traffic advisory ng Public Order and Safety Office (POSO) Dagupan, pansamantalang isasara ang pangunahing kalsada gaya ng Perez Boulevard, M.H. Del Pilar Street, at A.B. Fernandez Avenue.

Para sa mga sasakyan na Papuntang Silangan ay pinapayuhang kumanan sa PNR Site Road mula AB Fernandez East, dumaan sa Barrera Compound, at lumabas patungo sa kanilang destinasyon.

Ang mga sasakyan na papuntang Hilaga na patungong Gueset, Boquig, at Binloc ay dapat kumaliwa sa Rioferio Road mula Arellano-Bani, at pagkatapos ay bumalik sa kanilang karaniwang ruta patungong destinasyon.

Hindi naman pahihintulutan ang mga pampasaherong jeep na dumaan sa kanilang karaniwang ruta patungong downtown at CSI Lucao.

Ang mga sasakyang papuntang Kanluran
ay pinapayuhang kumanan sa Burgos Extension-Amado Street mula Tapuac Road, at pagkatapos ay kumanan muli sa Amado-Tapuac pabalik sa kanilang destinasyon.

Magtatalaga naman ng mga traffic enforcers ang POSO Dagupan sa mga kalsadang apektado upang tumulong sa daloy ng trapiko at gabayan ang mga motorista.

Ang Bangus Festival ay taunang selebrasyon sa Dagupan na nagtatampok ng masiglang kultura at ipinagmamalaking Bangus ng lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments