Real score sa pagitan nina Daniel Matsunaga at Arci Muñoz, nilinaw ng aktor

183

Manila, Philippines – Nilinaw ngayon ng Brazilian model-actor na si Daniel Matsunaga na magkaibigan lang sila ng aktres na si Arci Muñoz.

Kasunod ito ng espekulasyon na may namumuong romantic relationship sa pagitan ng dalawa na nagsimula sa pagsasama nila sa reality show na “I Can Do That”.


Say ni Daniel, sa ngayon ay ine-enjoy lang muna nila ang pagiging single at napag-usapang mag-focus muna sa kani-kanilang career.

Katunayan aniya, pumirma pa sila ni Arci ng isang kontrata na hindi sila pwedeng pumasok sa isang relasyon sa loob ng anim na buwan.

Pero inamin naman ni Daniel na lumalabas sila paminsan-minsan ni Arci kasama ang ilang common friends.
DZXL558

Facebook Comments