Reappointment ni Environment Secretary Gina Lopez, tiniyak na hindi maaapektuhan kasunod ng batikos ni Pangulong Duterte sa dalawang media organizations

63

Manila, Philippines – Tiniyak ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na
hindi maaapektuhan ng mga tirada ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ABS-CBN
ang reappointment ni Environment Secretary Gina Lopez.

Ang pamilya ni Lopez ang nagmamay-ari ng ABS-CBN na tinawag na basura ni
Pangulong Duterte dahil sa umano’y paninira sa kanya simula pa noong
panahon ng kampanya.

Bukod sa TV network, binatikos rin Pangulo ang Philippine Daily Inquirer
dahil sa pag-uungkat sa umano’y tagong yaman nito gayundin ang kaniyang
kalusugan.

Nabatid na hinaharang sa Commission on Appointments ang pagkakatalaga kay
Lopez sa Department of Environment and Natural Resources kasunod ng
pagpapasara nito sa mahigit dalawampung minahan sa bansa.

Facebook Comments