Recovery package para sa mga kumpanya at mga negosyong apektado ng lockdown, binubuo na ng economic team ng pamahalaan

528

Bumubuo na ang economic team ng Duterte administration ng recovery package para sa mga kumpanya at mga negosyong apektado ng Luzon-wide Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, humahanap na ng mga remedyo ang economic team bunsod ng inaasahang epekto sa ekonomiya ng ECQ lalo’t maraming negosyo ang itinigil ang operasyon.


Kasabay nito, nagpasalamat naman si Nograles sa mga private sector sa pagtugon sa kakulangan ng personal protective equipment (PPE) para sa mga health workers.

Facebook Comments