Recovery rate ng Pilipinas, nasa 93.2% – DOH

101

Umabot na sa 93.2% ng mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa ang gumaling na sa sakit.

Batay sa huling case bulletin, nakapagtala ang Pilipinas ng 10,967 new recoveries, kaya sasampa na sa kabuuang 511,743 ang COVID survivors.


Gayumpaman, nakapagtala pa rin ng 1,928 ng bagong kumpirmadong kaso, dahilan para umakyat sa 25,918 ang active cases.

Ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa ay nasa 549,176.

Nasa 11,515 naman ang bilang ng mga namatay sa COVID-19.

Facebook Comments