Red alert status, muling idineklara sa Luzon grid kagabi

17

Muling isinailalim sa red alert status ang Luzon grid dahil sa manipis na reserba ng kuryente, ala-6:22 kagabi.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, nagkaroon ng forced outage ang SCPC Limay Unit 2, alas-4:32 Huwebes ng hapon dahil umano sa tagas sa boiler tube.


Nagsasagawa na ng inspeksyon ang mga tauhan ng power plant.

Ang manipis na supply ng kuryente ang tinuturong dahilan ng mga nararanasang rotational brownout.

Facebook Comments

From Advertisers