
Nag-deploy na ang Philippine Red Cross (PRC) ng volunteers at mga kagamitan sa Palawan at Mindoro sa harap ng pagbaha sa naturang mga lugar dahil sa shearline.
Partikular sa siyam na mga barangay sa Puerto Princesa City at sa ilang munisipalidad sa Palawan.
Bukod sa mga pagkain at gamot, nagpadala rin ang Red Cross ng ambulansya para sa paglilikas sa mga nakatatanda.
Bagamat humuhupa na ang baha sa Puerto Princesa City, may ilan pang mga lugar sa Palawan na lubog sa tubig ang tinututukan ng PRC.
Tinututukan din ng Red Cross ang evacuation centers sa Baco at Calapan, Mindoro para sa mga karagdagang pangangailangan.
Facebook Comments