Red Lions, sinampolan ang Golden Stags sa iskor na 76-67

164

NCAA – Sinampolan ng San Beda College ang opening day ng NCAA Season 93 Men’s Basketball Tournament sa laban kontra San Sebastian College-Recoletos sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Binuhat ni Jave Mocon ang Red Lions sa kanyang double-double na 15 puntos, 13 rebounds at dalawang blocks habang umariba rin si team captain Robert Bolick na nagdagdag ng 15 puntos tampok ang pito sa fourth quarter.

Bagamat nagawang makatabla ng Golden Stags sa huling kanto sa 62-all, hindi na sila pinaungos pa ng Red Lions at tinapos ang laro sa iskor na 76-67.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558


Facebook Comments