Reenactment nina Sharon Cuneta at Cherie Gil sa sikat na ‘copycat’ scene, viral!

Mission accomplished para sa mga batikang aktres na sina Cherie Gil at Mega Star Sharon Cuneta matapos muling ma-reenact ang sikat na sikat at hindi makalilimutang ‘copycat’ scene.

Ang nasabing eksena ay bahagi ng pelikulang ‘Bituing Walang Ningning’ noong pang taong 1985 na pinagbidahan nilang dalawa.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Gil ang reenactment nila ng Mega Star pero ito ay may twist.


Nagpalit ng karakter ang dalawa kung saan si Sharon ay umarteng kontra bida at nagsabi ng famous line na ‘second-rate, trying hard, copycat’ at nagtapon kunwari ng alak kay Cherie Gil.

Agad namang nag-viral ang kanilang video online na kinatutuwaan ng mga netizen.

Facebook Comments